Barangay Peacekeeping Action Teams, nakiisa sa Barangay Tanod Skills Enhancement Training
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa dalawang araw na Barangay Tanod Skills Enhancement Training mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Cauayan noong ika-14 hanggang ika-15 ng Agosto, 2025 na ginanap sa Isabela Convention Center (ICON), Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Pinangunahan ni Hon. Caesar S Dy Jr., Punong Lungsod, Hon. Benjamin J. Dy III, Pangalawang Punong Lungsod, kasama si PLtCol Ernesto DC Nebalasca Jr., Hepe ng Cauayan City Component Police Station, katuwang sina Karla Bernadette M Aldea- Rollan, Cluster Head, CLGOO Lakambini SC Cayaba, DILG Cauayan City, G. Ronaldo D. Viloria, CDRRMO, Gng. Rodelyn A. Ancheta, CSWDO, F/SINSP JHAN MAURICE L BUMATAY, City Fire Marshal, at LGOO III Deejay C. Mata ng DILG Cauayan.
Sa nasabing pagsasanay, tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang paksa tulad ng The Profile of a Barangay Tanod, Gender-Sensitive, Child-Friendly & Culture-Sensitive Barangay, First Responder at Disaster Preparedness and Management na ibinahagi ng mga piling tagapagsalita mula sa iba’t ibang ahensya.
Samantala, layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga BPATs upang mas maging epektibong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad.
Source: Cauayan City Police Station