Awareness Lecture, isinagawa sa San Miguel Rural Development High School sa Catanduanes

0
viber_image_2025-08-19_14-48-54-855

Nagsagawa ng isang Awareness Lecture ang San Miguel Municipal Police Station (MPS) ngayong Agosto 18, 2025, bandang 2:10 ng hapon sa San Miguel Rural Development High School (SMRDHS) na matatagpuan sa Barangay District 1, San Miguel, Catanduanes.

Pinangunahan ang aktibidad ni PCPT RENEE R ALBAO, Officer-in-Charge (OIC) ng San Miguel MPS, sa pakikipag-ugnayan kay Mr. Fidel Vegim, School Principal ng naturang paaralan. Nakatuon ang programa para sa mga mag-aaral ng Grade 8 upang bigyang-kaalaman sila sa mga mahahalagang isyu na may kinalaman sa kanilang kaligtasan at karapatan bilang kabataan, partikular sa usapin ng bullying.

Bukod dito, binigyang-diin din sa talakayan ang kahalagahan ng pag-iwas sa anumang iligal na gawain at ang pagtutok sa pag-aaral bilang susi upang maabot ng mga kabataan ang kanilang mga mithiin sa buhay.

Patuloy ang dedikasyon ng San Miguel MPS sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at may kamalayang kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Hinihikayat din nila ang aktibong pakikipagtulungan ng mga paaralan, mga magulang, at buong komunidad upang mapangalagaan ang karapatan at kinabukasan ng bawat kabataang Pilipino.

Source: San Miguel Mps Catanduanes Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *