SPAG, solid ang suporta sa Cagayano Cops
Patuloy na ipinapakita ng mga miyembro ng Salaam Police Advocacy Group o SPAG, sa pamumuno ni Ginoong Rachmadin D Cosain, Regional President, ang kanilang mainit na suporta sa mga miyembro ng Cagayano Cops.
Bumisita at nagkortesiya noong ika-18 ng Agosto 2025 ang mga miyembro sa tanggapan ng Cagayan Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), na pinamumunuan ni Police Captain Shiela Joy N Fronda, Assistant Chief, at tagapasalita ng Cagayan Police Provincial Office.
Ang pagbisita ay upang mas patibayin ang samahan at pagkakaisa ng SPAG at Kapulisan para sa ikabubuti at kaayusan ng komunidad.

Pinag-usapan din ang mga nakaplanong aktibidad na isasagawa ng kapulisan sa kanilang area pati na rin ang mga programa ng SPAG para makatulong sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan lalo na’t iba ang kanilang kultura sa mga nakagisnang tradisyon dito sa probinsya ng Cagayan.
Source: PNP Cagayan