Community Dialogue, isinagawa sa Tagaytay City, Cavite
Nagsagawa ng Community Dialogue ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jefferson P. Ison, ACOP, kasama ang mga miyembro ng Tagaytay Community Anti-Crime Group (TCACG), na isa sa pangunahing Force Multipliers ng lungsod nito lamang ika-19 ng Agosto 2025.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang Emergency Hotline 911 at ang mas pinaigting na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad. Ang TCACG, na kinikilala bilang katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, ay muling nagpahayag ng kanilang buong suporta sa mga programa ng kapulisan.
Bilang mga Force Multipliers, ang TCACG ay nagsisilbing dagdag na mata at tainga ng pulisya sa komunidad. Ang kanilang aktibong partisipasyon ay hindi lamang nakatutulong sa agarang pagresponde sa mga insidente kundi nagpapalakas din ng tiwala ng mamamayan sa kapulisan.
Patunay lamang na ang tagumpay laban sa kriminalidad ay nakasalalay hindi lamang sa kapulisan kundi pati na rin sa aktibong pakikilahok ng mga grupong gaya ng TCACG, na nagsisilbing haligi ng seguridad sa komunidad.