Pagkakaisa para sa kalikasan at kabataan, isinagawa sa pamamagitan ng Mangrove Planting sa Libon, Albay

0
viber_image_2025-08-21_13-12-27-757

Matagumpay na isinagawa ng 1st APMFC R-PSB Team Macabugos na pinamunuan ni PMSg Carlo A Lana, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL JONATHAN S ALAYAN, Force Commander, ang isang Mangrove Planting Activity sa Barangay Macabugos, Libon, Albay nitong Agosto 17, 2025.

Nakipag-ugnayan sa aktibidad ang LGU Libon, MDRRMO, SK Municipal Federation, Libon MPS, 505th RMFB R5 Harigi, SK Officials ng Brgy. Macabugos, mga Barangay Officials, KKDAT, at KKK.

Layunin ng naturang tree planting ang pangangalaga sa kalikasan, pagpapalakas ng proteksyon laban sa kalamidad, at pagpapaigting ng partisipasyon ng komunidad.

Bago isinagawa ang pagtatanim, nagkaroon ng orientasyon hinggil sa tamang pamamaraan ng pagtatanim ng mangrove at kahalagahan nito sa ekolohiya.

Umabot sa humigit-kumulang 613 punla ng mangrove ang naitanim sa baybaying dagat ng Brgy. Macabugos.

Ipinakita sa aktibidad ang matibay na kooperasyon ng iba’t ibang ahensya at aktibong pakikiisa ng kabataan, bilang patunay ng kanilang malasakit sa sustainable development at disaster risk reduction.

Ang programa ay bahagi rin ng pagdiriwang ng 2025 International, ASEAN, at National Youth Day, gayundin ng Linggo ng Kabataan, na may temang “Local Youth Actions for Sustainable Development Goal and Beyond.”

Source: R-psb Macabugos at Albay Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *