KABALIKAT CIVICOM Tuao Chapter, nagdiwang ng ika-7 Anibersaryo

0
viber_image_2025-08-25_14-12-50-388

Matagumpay na ipinagdiwang ng Kabalikat Civicom -Tuao Chapter ang kanilang ika-7 Anibersaryo na ginanap sa Brgy. Mungo, Tuao, Cagayan nito lamang ika-23 ng Agosto, 2025.

Ang Kabalikat Civicom ay katuwang ng kapulisan at pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad. Nagsisilbi itong force multiplier sa pagbibigay ng mabilis at epektibong serbisyo sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon, partikular na sa paggamit ng radyo para sa koordinasyon at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.

Nagsimula ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang motorcade mula sa bayan ng Tuao patungo sa lugar ng pagtitipon na sinundan ng pambungad na panalangin at pagbati mula kay Mr. Harold Agustin, Presidente ng nasabing organisasyon.

Kabilang sa mga panauhing nagbigay ng mensahe si PMaj Ariel G. Cambri, Hepe ng PNP Tuao, na nagpahayag ng pasasalamat sa Kabalikat Civicom para sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga adbokasiya ng kapulisan.

Sa okasyong ito, nilagdaan din ang Memorandum of Understanding (MOU) upang higit pang pagtibayin ang ugnayan ng dalawang panig. Nagpalitan din ng Certificates at Plaques of Appreciation ang Kabalikat Civicom at PNP Tuao bilang pagkilala sa kanilang aktibong pagtutulungan.

Sa pagtatapos ng programa, muling pinagtibay ng Kabalikat Civicom Tuao Chapter at ng PNP Tuao ang kanilang paninindigan na magsanib-lakas para sa kapayapaan at kaunlaran ng komunidad. Ang adhikaing ito ay kaagapay sa mithiin ng Bagong Pilipinas tungo sa mas ligtas at mas maunlad na bayan.

Source: Tuao PCR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *