Mga kabataan, nakiisa sa Symposium Activity sa Bohol

0
viber_image_2025-08-26_17-20-16-769

Nakiisa ang mga kabataan ng Getafe sa Bohol sa isinagawang Symposium Activity ng Getafe Municipal Police Station, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCPT JOY ESCARAN DAWA, Chief of Police (OIC), na ginanap sa Ambacon Cultural Center, Brgy. Poblacion, Getafe, Bohol.

Sa naturang talakayan, binigyang-diin ng mga awtoridad na ang terorismo ay hindi lamang kumikitil ng buhay, kundi sumisira rin ng mga pamayanan, mga pangarap, at mga oportunidad para sa pag-unlad.

Tinalakay din nila na ang pagpigil sa terorismo ay hindi lamang tungkulin ng kapulisan o militar, kundi isang pananagutan na dapat gampanan ng bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman, pagpapatibay ng pagkakaisa, at paghubog ng pagiging mapagmatyag lalo na sa hanay ng kabataan, layunin ng aktibidad na ito na lumikha ng matibay na pundasyon ng kapayapaan at katatagan sa bayan ng Getafe.

Dahil anila na ang isang mamamayang may sapat na kaalaman at kapangyarihan ay nagsisilbing pinakamabisang panangga laban sa banta ng terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *