‎PNP Sara, LGU at iba pang ahensya, nagkaisa sa paggunit ng Araw ng mga Bayani

0
viber_image_2025-08-26_17-22-26-914

Nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya at sektor ng pamahalaan sa pangunguna ng Sara Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT THEODORE ROOSEVELT B SABOY, Officer-in-Charge ng Sara MPS, upang gunitain ang Araw ng mga Bayani na ginanap sa Bantayog ni Dr. Jose P. Rizal, Barangay Poblacion Ilaya, Sara, Iloilo, ganap na 7:45 ng umaga nito lamang ika-25 ng Agosto, 2025.

‎Katuwang sa programa si Hon. Jon N. Aying, Municipal Mayor ng Sara, kasama si Hon. Ryan S. Zerrudo, Bise-Alkalde, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga beterano ng Sara, at iba pang stakeholders na nagsilbing katuwang upang maisakatuparan ang makabuluhang pagdiriwang.

‎Binigyang-diin ni Dr. Dexter L. Castigador, isang retiradong propesor mula sa Northern Iloilo State University (NISU) – Lemery Campus na siyang naging Panauhing Pandangal, ang kahalagahan ng kabayanihan at pagmamahal sa bayan bilang pundasyon ng tunay na nation-building.

Dumalo rin sa paggunita ang 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLTCOL GERMAN R MAGBANUA III, na nagbigay ng augmentation at aktibong nakibahagi sa seremonya bilang pagkilala sa mga bayaning Pilipino.

‎Nagpakita rin ng suporta ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Sara sa pangunguna ni Acting Municipal Fire Marshal INSP JORY L. BILIRAN, na nakiisa upang ipakita ang pagsama-sama ng lahat ng ahensya sa pagbibigay-pugay sa mga nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

‎Ang sabay-sabay na pagdiriwang na ito ay nagsilbing paalala ng kabayanihan ng ating mga ninuno at isang panawagan para sa pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at kolektibong pagtutulungan tungo sa kaunlaran at seguridad ng komunidad.

‎Source: Sara MPS FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *