Road Clearing Operation, pinagtulungang isinagawa sa Matag-ob, Leyte

0
viber_image_2025-08-27_12-55-09-962

Nagtulungan ang Department of Public Works and Highways at Matag-ob Municipal Police Station sa pagsasagawa ng Road Clearing Operation sa kahabaan ng Matag-ob–Palompon Road, Brgy. Candelaria Matag-ob, Leyte nito lamang Agosto 26, 2025.

Ang naturang paglilinis ay pinangunahan ng Matag-ob DPWH kasama ang Matag-ob Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Ted Dennis O Clemencio, Officer-In-Charge.

Ang naturang road clearing operation ay nakakatulong sa maayos na daloy ng trapiko sa lugar na gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa nasabing lokalidad.

‎Ang diwa ng Bayanihan ay muling naipamalas sa aktibidad, patunay na kung sama-sama at mas matatag na nagtutulungan ang pulisya, LGU at mga force multipliers, mas mabilis ang pagbangon at pag-unlad ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *