Mag-aaral ng Tallungan ES, nakiisa sa isinagawang lecture awareness sa Reina Mercedes
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Tallungan Eementary School sa isinagawang lecture awareness na pinangunahan ni PCpt Jefferson N. Dalayap, Deputy Chief of Police, sa pamumuno ni PMaj Charles B. Cariño, Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, na ginanap bandang 7:15 ng umaga noong ika-26 ng Agosto, 2025.
Tinalakay sa aktibidad ang Anti-Bullying sa ilalim ng Republic Act No. 10627 (Anti Bullying Act of 2013), kung saan ang mga mag-aaral ay binibigyang kaalaman tungkol sa mga magaganda at mabubuting asal upang maiwasan ang mga maling gawain na nakakasira sa mentalidad o anumang uri ng pananakit sa kapwa nila mag-aaral.

Ang lecture ay naglalayong pataasin ang kamalayan at pag-unawa sa anti-bullying, hikayatin ang personal na responsibilidad at pananagutan, lalo na sa mga guro at magulang, at bigyang kapangyarihan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga positibong relasyon.
Ang Reina Mercedes PS ay patuloy na magbibigay serbisyo sa ating mamamayan para sa mas ligtas, maayos at mapayapang komunidad.
Source: Reina Mercedes Ps Ippo