Force Multipliers, nagsagawa ng Clean-Up Drive Activity sa Samar
Matagumpay na isinakatuparan ng mga Force Multipliers kasama ang mga kapulisan ang Clean-Up Drive Activity sa kahabaan ng National Road ng Brgy. Dampigan, Sta. Rita, Samar nito lamang Agosto 27, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga Barangay Official’s ng nasabing barangay sa pangunguna ni Hon. Erlette Mendoza, Brgy. Chairwoman kasama ang mga tauhan ng 805th Maneuver Company, RMFB8 sa pamumuno ni Police Major Tyrone mark A cartalla, Company Commander.
Isinagawa ang aktibidad upang mapanatili ang isa sa mga pinakamahusay na kagawian ng unit na ang Secured Access For Everyone – Main Supply Route (SAFE-MSR).

Hinikayat ng grupo ang mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran.
Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng malusog, ligtas at maayos na kapaligiran para sa ikakabuti ng ating mamayan.