Fun Run Activity, isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng 46th Founding Anniversary ng Kauswagan NHS sa Palo, Leyte
Matagumpay na isinagawa ang Fun Run Activity kasabay ng pagdiriwang ng 46th Founding Anniversary ng Kauswagan National High School na ginanap sa Sitio Kauswagan, Brgy. Barayong, Palo, Leyte nito lamang Agosto 30, 2025.

Ang kaganapan ay pinamunuaan ng mga guro at mag-aaral ng Kauswagan National High School sa pamumuno ni Mr. Michael C. Villena School Head kasama ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office at Tacloban City Police Office. Dumalo rin ang mga alumni, magulang, at miyembro ng komunidad.
Ang Fun Run Activity na may temang “Dalagan para han Kauswagan!” ay isang fund-raising initiative para sa iba’t ibang programa at proyekto ng paaralan kung saan direktang makikinabang ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Ang naturang aktibidad ay nagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad, na nagpapatibay ng tiwala, pagtutulungan, at pagbabahagi ng responsibilidad sa pagbuo ng isang mapayapa at progresibong lipunan.