Pagtitibay ng partisipasyon ng kabataan sa pamamagitan ng KKDAT Lecture

0
viber_image_2025-08-31_14-34-12-892

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo, matagumpay na isinagawa ang isang KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) lecture sa Barangay Janagdong 1, Sariaya, Quezon nito lamang Sabado, ika-30 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ni PLt Joseph S. Ramirez, Chief ng Investigation/Operations, sa pamumuno ni PLtCol Jezreel L. Calderon, Officer-in-Charge ng Sariaya Municipal Police Station, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga kabataang miyembro ng barangay.

Layunin ng lecture na palalimin ang kaalaman ng kabataan sa masasamang epekto ng ilegal na droga, maiwasan ang pagkakaladkad sa terorismo, at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga programang pangkapayapaan at kaayusan ng pamayanan.

Binigyang-diin ni PLt Ramirez ang mga panganib ng paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga. Ipinaliwanag din niya ang mga palatandaan ng radikalisasyon at kung paano ito maiiwasan sa tulong ng tamang impormasyon at edukasyon. Bukod dito, tinalakay rin niya ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang mga komunidad.

Bukod sa pagbibigay ng kaalaman, layunin din ng aktibidad na paigtingin ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng PNP at KKDAT bilang bahagi ng mas malawak na kampanya para sa ligtas, disiplinado, at responsableng komunidad.

Ang mga ganitong inisyatibo ay mahalaga upang maihanda ang kabataan na maging huwarang mamamayan at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan sa kani-kanilang lugar.

Source: Sariaya Qppo Pcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *