viber_image_2025-09-15_15-41-26-849

Noong ika-12 ng Setyembre 2025, bandang alas-9:30 ng umaga, nagsagawa ng isang awareness lecture ang mga tauhan ng San Miguel MPS sa pangunguna ni PCPT REENE R. ALBAO, Officer-in-Charge, sa Mabato National High School – Mabato Annex, Barangay Mabato, San Miguel, Catanduanes.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan kay Gng. Shirley Villaranda, Punong-Guro ng paaralan, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya laban sa karahasan at kriminalidad sa hanay ng kabataan.

Tinalakay sa programa ang mga mahahalagang paksa tulad ng Anti-Bullying at Rape Prevention Tips na layuning itaas ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral upang maprotektahan ang kanilang sarili at maiwasan ang pagiging biktima o sangkot sa mga insidenteng may kinalaman sa pambu-bully at pang-aabuso.

Bukod dito, pinaalalahanan din ang mga estudyante na umiwas sa anumang uri ng iligal na gawain at hinikayat silang maging mabubuting mamamayan na sumusunod sa batas.

Pinayuhan din nila ang mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral bilang paghahanda sa mas magandang kinabukasan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng San Miguel PNP na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at pamayanang pang-edukasyon, sa layuning bumuo ng isang ligtas, mapayapa, at maayos na kapaligiran para sa kabataan.

Source: Sanmiguel Mps Catanduanes Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *