BADAC AT BPOC Meeting, isinagawa

0
550229574_810155378076483_7043782034062654574_n

Isinagawa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) sa Barangay Pianon, Kalawit, Zamboanga del Norte nito lamang ika-16 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ng Kalawit Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Casmir N Martinez, Officer-in-Charge, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Pianon na pinangunahan ni Hon. Anthony G Manayon, barangay kagawad sa nasabing lugar.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga programa at estratehiya laban sa iligal na droga sa barangay para sa kaligtasan at seguridad ng komunidad.

Gayon din ang pagbibigay-kaalaman hinggil sa tungkulin ng bawat miyembro ng konseho.

Layon ng nasabing pagpupulong na palakasin ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *