Makabuluhang talakayan ng Sta. Maria MPS, nilahukan ng BPATs

0
548614363_1337883204637677_8547677563792669757_n

Aktibong nilahukan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang makabuluhang talakayan na isinagawa ng Santa Maria Municipal Police Station sa Barangay Bulac, Sta. Maria, Bulacan nito lamang Lunes, ika-15 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ni Police Corporal Diogenes Amor III, ang nasabing aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Voltaire C. Rivera, Chief of Police, katuwang ang BSF Elite Riders Group at mga Barangay Officials.

Tinalakay sa pagtitipon ang mahahalagang paksa gaya ng Anti-Illegal Drugs Awareness, Crime Prevention, Safety Tips, at PNP 5-Minute Response Policy (Dial 911).

Ipinamalas sa aktibidad ang aktibong pakikilahok ng mga barangay at komunidad, na lalo pang nagpapatibay sa ugnayan ng kapulisan at mamamayan.

Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *