Barangay Officials at SK, nagsagawa ng Clean-up Drive
Nagsagawa ng clean-up drive ang mga Brgy. Officials at Sangguniang Kabataan sa Brgy. Catmon, Malolos, Bulacan nito lamang Sabado ika- 20 ng Setyembre 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. James Dimaguiba, Barangay Captain ng naturang lugar.
Nagkaisa ang mga lumahok sa pagpulot ng basura, pagwawalis, at pagtatanggal ng mga kalat sa kapaligiran bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad.
Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin ang mga residente na mapanatili ang malinis at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at regular na paglilinis ng paligid.
Patuloy ang pamahalaan sa pagsagawa ng ganitong aktibidad upang isulong an


