25th Piyesta sa Kakahuyan, ginunita sa Maasin, Iloilo

0
557605410_122263904042291230_4209432686605358985_n

Matagumpay na ginunita sa Maasin ang ika 25th Piyesta sa Kakahuyan: “Paghandom kag Pagpasanyog” na ginanap sa Watershed Forest Reserve, Brgy. Daja, Maasin, Iloilo noong ika-18 ng Oktubre 2025.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga kasapi ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) sa pangunguna ni Police Colonel Bayani M. Razalan, Provincial Director, na aktibong nagbigay suporta sa pangangalaga ng kalikasan sa nasabing lokalidad.

Tinatayang 150 na mga pulis mula sa IPPO Headquarters, Police Regional Office 6 na pinamumunuan ni Police Brigadier General Josefino D. Ligan, Regional Mobile Force Battalion 6, mga kalapit na himpilan ng pulisya, at SWAT ang nakiisa at nagbigay ng seguridad sa nasabing okasyon.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Government of Iloilo sa pamumuno ni Governor Arthur Defensor Jr., sa pamamagitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), at dinaluhan ng mahigit 1,600 kalahok o eco-warriors mula sa iba’t ibang sektor, mga ahensya ng pambansang pamahalaan (NGAs), lokal na pamahalaan (LGUs), non-government organizations (NGOs), mga unipormadong serbisyo, akademya, media, pribadong sektor, at mga civic group.

Layunin ng pagtitipong ito na isulong ang Tanum Iloilo: Towards a Forest Province bilang bahagi ng adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagprotekta sa mga likas-yaman ng lalawigan.

Sa patuloy na pagsuporta ng IPPO sa MoRProGRes Iloilo (Movement for a Robust, Progressive, Globally Competitive, and Resilient Province of Iloilo), ipinakita ng bawat kalahok na ahensya ang diwa ng koordinasyon, pagkakaisa, at malasakit tungo sa isang ligtas, maunlad, at matatag na lalawigan.

Ang tagumpay ng 25th Piyesta sa Kakahuyan ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, kapulisan, at mamamayan, mas napapangalagaan ang kapaligiran at napapalakas ang ugnayan para sa kapayapaan at kaunlaran ng Iloilo.

Source: Iloilo Police Provincial Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *