119th Anibersaryo ng Luna, La Union, ipinagdiwang sa pamamagitan ng “Operation Big Heart”

0
viber_image_2025-10-20_14-43-42-162

Bilang paggunita sa ika-119 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Luna, La Union, isinagawa ang “Operation Big Heart” noong Oktubre 18, 2025 sa Bungro-Sucoc Integrated School. Umabot sa 608 residente ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental, X-ray, blood sugar testing, blood typing, nutrisyon counseling, HIV/AIDS screening, at eye check-up na sinundan pa ng pamimigay ng libreng salamin sa mata.

Malaking bahagi ng tagumpay ng programa ang aktibong pakikiisa ng mga community partners at volunteers gaya ng Pride of Luna Association, volunteer doctors, at mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Health – Ilocos CHD, Ilocos Training and Regional Medical Center – Ophthalmology Department, Red Cross La Union Chapter, at iba pa. Nagpakita rin ng suporta ang SSS, PNP-Luna, at Bureau of Fire Protection-Luna.

Namahagi rin ng iba’t ibang tulong pinansyal ang Municipal Social Welfare and Development Office kabilang na ang Php5,000 livelihood assistance sa 10 senior citizens, Php5,000 educational assistance sa 20 estudyanteng indigent, at PhpP10,000 tulong-pinansyal sa 47 pamilyang nawalan ng tirahan dahil kay Bagyong Emong.

Pinangunahan ni Mayor Gary N. Pinzon at ng mga opisyal ng bayan ang makabuluhang aktibidad, na patuloy na nagpapakita ng malasakit, pagkakaisa, at tunay na diwa ng bayanihan — mga katangiang matibay na sandigan ng mga Bannuar ng Luna.

Source: LGU Luna La Union

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *