Kapulisan para sa Kalikasan: PNP Iloilo, nakiisa sa Piyesta sa Kakahuyan sa Maasin, Iloilo

0
viber_image_2025-10-20_11-53-48-891

Sa patuloy na adhikain ng kapulisan na maging katuwang ng pamahalaan at mamamayan hindi lamang sa usapin ng seguridad kundi pati sa pangangalaga ng kalikasan, muling ipinamalas ng ILOILO PNP ang kanilang malasakit sa bayan sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikiisa sa 25th Piyesta sa Kakahuyan sa Maasin Watershed Forest Reserve, Brgy. Daja, Maasin, iloilo nito lamang ika-18 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ni Police Colonel Bayani M Razalan, Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), ang delegasyon ng mahigit 150 na pulis mula sa iba’t ibang yunit kabilang ang Police Regional Office 6, Iloilo Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 6, SWAT, at mga kalapit na istasyon ng pulisya.

Kasabay ng pagbibigay-seguridad sa lugar, ang mga pulis ay nakiisa rin sa mismong pagtatanim ng mga punla sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay bahagi ng programang “Tanum Iloilo: Towards a Forest Province” na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo sa ilalim ng pamumuno ni Governor Arthur Defensor Jr., sa pamamagitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO). Nilahukan ito ng mahigit 1600 eco-warriors mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan: mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, NGOs,media, pribadong sektor, at mga uniformed services.

Hindi naging hadlang ang uniporme sa pagtupad ng tungkulin sa kalikasan. Ang PNP Iloilo ay patuloy na nakikiisa sa mga programang tumutugon sa pangmatagalang kapakanan ng komunidad.

Bahagi ito ng suporta sa MoRProGRes Iloilo (Movement for a Robust, Progressive, Globally Competitive, and Resilient Province of Iloilo), isang malawakang inisyatiba para sa kaunlaran ng lalawigan.

Ang aktibong partisipasyon ng Philippine National Police sa aktibidad ay patunay ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman hindi lamang nakikita sa mga checkpoint o presinto kundi sa mga kabundukan, kagubatan, at sa mga programang nagpapalalim ng malasakit at pagkakaisa

Sa bawat hakbang ng pagtatanim, kasama ang kapulisan sa paghubog ng isang mas luntian, mas ligtas, at mas matatag na kinabukasan para sa Iahat.

Source : Iloilo City Police Provincial Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *