Advocacy Support Groups nagsagawa ng Clean-up Drive sa Mandaluyong City
Tulong-tulong ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Clean-up Drive o “Oplan Linis Estero/declogging operation” na ginanap sa Haig St., Brgy. Daang Bakal sa Mandaluyong City nito lamang umaga ng Linggo, ika-7 ng Mayo 2023.
Ang aktibidad ay nilahukan nina Hon. Richard B. Bassig, Barangay Chairman ng Brgy. Daang Bakal, CEMD; Boy Scouts of the Philippines; Estero Rangers DENR; National at mga Barangay Tanod sa naturang lugar.
Katuwang din dito ang mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section kasama ang Substation 1 at Substation 2 personnel sa ilalim ng pamumuno ni PCOL CESAR T GERENTE, Chief of Police.
Matiyagang nilinis ng mga dumalo ang sapa sa lugar na puno ng mga basurang naipon mula sa mga kalapit na barangay na humaharang sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig. Ito din ay isang paraan upang puksain ang mga pinagmumulan ng lamok lalo ngayong nalalapit na tag-ulan.
Ang sama-samang pagsisikap ng LGU, Barangay, “Makakalikasan” Advocates at mga tauhan ng PNP ay pakikinabangan ng mga kalapit na lugar dahil mababawasan nito ang pagbaha dulot ng mga basura. Ginagarantiyahan ng grupo na pananatilihin nilang malinis at maganda ang lungsod at determinadong makikipagtulungan sa komunidad upang makapagsagawa pa ng maraming eco-friendly activities.