Barangay Officials, nakiisa sa Crime Awareness Lecture
Nakiisa ang mga Barangay Officials sa isinagawang Crime Awareness Lecture sa Barangay Suguit, Maria Aurora, Aurora nito lamang Biyernes, ika-20 ng Disyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Maria Aurora Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Ferdinand B Usita, Chief of Police ng nasabing istasyon.
Layunin nito na itaas ang kamalayan ng mga barangay opisyal hinggil sa mga responsibilidad sa pagbabantay at pagpapatupad ng mga batas laban sa pang-aabuso, exploitation, at diskriminasyon.

