2025 Operational Readiness Exercises, umarangkada sa lalawigan ng Iloilo

0
viber_image_2025-12-01_12-19-05-099

Matagumpay na umarangkada ang 2025 DRRM Operational Readiness Simulation Exercises na may temang “Strength in Preparation, United in MORE ProGResS Action: Advancing DRRM Field Competence for Resilient Communities,” sa lalawigan ng Iloilo nito lamang November 29, 2025.

Aktibong nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga kasapi ng iba’t ibang Disaster Risk Reduction Management Offices sa lalawigan kabilag na ang mga tauhan ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sa pangunguna ni Police Colonel Bayani M. Razalan, Provincial Director.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang kahandaan, koordinasyon, at pagtutulungan ng mga DRRMOs sa lalawigan upang mas mapabuti ang pagtugon sa mga natural na kalamidad.

Pormal itong binuksan dakong alas-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng deklarasyon ng pagsisimula ng paligsahan ni Governor Arthur “Toto” Defensor Jr. ng Iloilo Province.

Pinangunahan ang aktibidad ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni Police Colonel Cornelio R. Salinas (Ret.), at dinaluhan ng iba’t ibang Local DRRMOs sa buong lalawigan.

Binigyang-diin ng pagsasanay ang pagpapalakas ng camaraderie at interoperability ng mga ahensiya upang mas maging epektibo at episyente ang pagtugon sa mga sitwasyon tulad ng pagbaha, lindol, landslide, at iba pang sakuna.

Sa pamamagitan ng simulation exercises, mas nahasa ang kakayahan ng bawat grupo sa mabilis at koordinadong operasyon.

Dumalo sa naturang aktibidad ang mga pangunahing opisyal ng lalawigan kabilang sina Vice Governor Nathalie Ann F. Debuque at Board Member Rolando Destura. Naroon din sina Mayor Arnold Betita ng Carles, Iloilo; Vice Mayor Arvin Lozaria ng Lambunao, Iloilo; at Director Raul Fernandez, Regional Director ng Office of Civil Defense VI.

Nagsidalo rin ang mga kinatawan mula sa BFP, iba pang ahensiya ng gobyerno, at mga pangunahing opisyal ng IPPO gaya nina Police Lieutenant Colonel Engelbert Banquillo, Deputy Provincial Director for Operation; Police Lieutenant Colonel Abner Jordan, Chief ng Provincial Operation Management Unit; Police Major Rolando D. Araño, Chief ng Provincial Community Affairs Development Unit; at Police Senior Master Sergeant Henry Sotomil ng PCADU.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng IPPO at iba’t ibang DRRMOs, muling pinatunayan ng lalawigan ng Iloilo ang kanilang malasakit, kahandaan, at pagkakaisa tungo sa mas ligtas at matatag na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *