Mag-aaral ng Porais NHS, nakilahok sa Anti-Illegal Drugs Awareness Lecture ng Nueva Ecija PNP
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Porais National High School sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Awareness lecture ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial office sa Barangay San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-1 ng Disyembre 2025.
Matagumpay ang isinagawang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Warly C. Bitog, Force Commander, at sa pangunguna ni PCMS Rhandy M. Coleco, na dinaluhan naman ng mga mag-aaral mula sa Grade VII.

Naging aktibo ang mga mag-aaral sa naging talakayan patungkol sa Anti-Illegal Drugs Awareness na may layuning mapataas ang kamalayan patungkol sa masamang epekto nito pati na rin ang pagsasanay sa mga mag-aaral kung paano makaiwas sa anumang uri ng tukso na may kinalaman sa droga.
Ito ay sumusuporta sa mga layunin ng administrasyon ni pangulong Bongbong Marcos, na nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan at pagpapabuti ng kalidad na edukasyon, pagtutok sa moralidad, espiritwalidad at kaligtasan ng mga mag-aaral na magtaguyod ng isang makatao at progresibong Lipunan.