“Lakad Iwas Droga: Cadcob Walk for a Cause 2025”, muling inilunsad sa Bacolod City

0
viber_image_2025-12-17_15-52-29-790

Matagumpay na inilunsad sa Bacolod City ang “LAKAD IWAS DROGA: The CADCOB Walk for a Cause 2025” nitong December 14, 2025, na ginanapy sa Bacolod City Public Plaza.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Community Anti-Drug Coalition of Bacolod (CADCob) na dinaluhan naman ng iba’t ibang sektor gaya na lamang ng mga government agencies, barangays, at paaralan sa Bacolod City, na nagpapakita ng pagkakaisa sa hangarin ng pagkakaroon ng drug-free na komunidad.

Kabilang sa mga nakidalo sa aktibidad ang mga tauhan ng Bacolod City Police Office (BCPO), sa pangunguna ni PCol Joeresty P Coronica, City Director, na nakibahagi rin sa layunin ng grupo na wakasan ang sirkulasyon ng ilegal na droga sa lungsod.

Ngayong taon ay ang ikasampung taon ng nasabing programa na may temang “Act Now! Involve in Prevention,” kung saan muling binigyang pansin ng grupo ang pagbibigay ng karagdagang impormasyon sa lahat ng mga residente, maging ng mga kabataan kaugnay sa masamang epekto ng paggamit ng mga ilegal na droga.

Layunin din ng aktibidad na palakasin ang mga komunidad sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan bilang mga pangunahing responsable sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga drug abuse prevention programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *