Clean-up Drive, isinagawa ng Force Multipliers at mga Kawani ng Barangay Turo katuwang ang PNP
Isinagawa ang isang Community Engagement Activity sa pamamagitan ng Clean-up Drive ng mga Force Multipliers at mga Kawani ng Barangay Turo katuwang ang Bocaue Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL VIRGILIO D RAMIREZ, Acting Chief of Police, katuwang ang Sta. Maria Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), noong Disyembre 20, 2025, sa Santiago Compound at Romero Compound, Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kahandaan ng lugar, gayundin ang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad sa pagsusulong ng kaligtasan at kaayusang pampubliko.

Isinagawa ang Clean-up Drive sa maayos at disiplinadong paraan sa aktibong pakikilahok ng mga pulis at force multipliers, na nagresulta sa mas malinis at maayos na kapaligiran bilang suporta sa mga aktibidad na may kaugnayan sa “Ligtas Paskuhan” at sa pangkalahatang adbokasiya ng Philippine National Police sa kaligtasan ng mamamayan.