Mahigit 1K punla ng Mangrove, itinanim ng Advocacy Support Group sa Eastern Samar
Eastern Samar – Tinatayang 1,000 punla ng Mangrove ang itinanim ng mga Advocacy Support Group sa Minasangay Eco Park, Balangkayan, Eastern Samar nito lamang Huwebes, Mayo 11, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Advocacy Support Groups kasama ang Faith-Based Volunteers, Balangkayan Fire Station, Coast Guard Eastern Samar, Balangkayan MPS at Eastern Samar Police Provincial Office.
Malaki ang naitutulong ng Mangrove Tree dahil ito ay nagbibigay proteksyon mula sa mga alon, ito rin ay nagiging tirahan ng mga lamang-dagat, pinapanatili din nito ang kalidad ng tubig at binabawasan ang polusyon sa karagatan.
Layunin ng naturang grupo na panatilihin at pangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman upang mabawasan ang hindi magandang epekto ng climate change ng lalawigan at pinatitibay din ang environmental sustainability para sa susunod na henerasyon.