Clean-up Drive nilahukan ng Advocacy Support Groups sa San Juan City

Aktibong nilahukan ng nga miyembro ng Advocacy Support Groups at mga estudyante ang isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa Barangay Batis, San Juan City nito lamang Martes, Mayo 9, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng San Juan CPS Women’s Club at OJT students mula sa Amang Rodriguez Institute of Science and Technology kasama ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Acting Chief of Police.

Sama-samang nilinis ng grupo ang mga eskinita sa lugar na puno ng mga basura upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran.

Layunin din ng grupo na turuan mga residente na panatilihing ligtas at malinis ang tirahan maging sa paligid nito at ipakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran at kalikasan para isang ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *