TESDA Iloilo, nanguna sa isinagawang Livelihood Training para sa mga babaing pulis
Matagumpay na nanguna ang mga tauhan sa TESDA Iloilo sa pagsasakatuparan ng Livelihood Training kaugnay sa Bread and Pastry making na ginanap sa Camp Francisco U. Sumagaysay Sr., Santa Barbara, Iloilo nito lamang March 12, 2026.
Ang naturang pagsasanay ay masigasing na dinaluhan ng nasa 50 women personnel ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) na binubuo ng mga lady police officers at non-uniformed personnel.

Mismong si Police Colonel Bayani M Razalan, Provincial Director ng IPPO ang nanguna sa pagbubukas ng nasabing pagsasanay kasama si Director Porferio C. Celestial ng TESDA Iloilo na nagsilbi rin bilang Guest of Honor and Speaker.
Bahagi ang aktibidad sa taunang selebrasyon ng 2026 National Women’s Month Celebration na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society” at sub-theme na “Lead like the Babaylans, Filipinas!” na may layuning bigyan ng nararapat na kaalaman ang lahat ng mga kababaihan kaugnay sa usaping pangkabuhayan.

Nanguna sa nasabing hands-on training ang mga trainers mula sa New Lucena Polytechnic College na binubuo nila Elma P. Gatiera, Assistant Professor II; Jenny Faith L. Panistrante, Instructor I; Christine H. Latumbo, Laboratory Assistant; at Nancy J. Sinfuego, Trainer.