NSTP Graduation and Recognition Ceremony, isinakatuparan ng Carmelite College of Siquijor, Inc.

0
viber_image_2026-03-27_12-20-42-945

Matagumpay na isinakatuparan ang NSTP Graduation and Recognition Ceremony of Carmelite College of Siquijor, Inc., kamakailan lamang sa lalawigan ng Siquijor kung saan nakiisa ang Siquijor PNP at nagbahagi ng mensahe sa mga estudyante ng nasabing paaralan.

Mismong si PCOL EMELIE D. SANTOS, Provincial Director ng Siquijor Police Provincial Office, ang
nanguna sa aktibidad bilang kinatawan ng mga awtoridad at nagsilbi ring Guest of Honor and Speaker kasama ng mga guro at mga estudyante.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni PCOL SANTOS ang kahalagahan ng National Service Training Program (NSTP) sa ating mga kabataan bilang mga responsableng mamamayan na may kakayahang tumulong para sa progreso at kaunlaran ng ating mga komunidad.

Ipinaliwanag pa niya ang mga mahahalagang gampanin ng kabataan sa nation-building at iba pang mga aktibidad na magpatibay sa pagtutulungan ng mamamayan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hinimok di niya ang mga nagtapos na isabuhay ang disiplina, integridad at serbisyo publiko bilang isang produktibo ay may pakialam na mamamayan.

Bukod pa rito, hinikayat din ni PCOL SANTOS ang mga estudyante na maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa krimen at anumang iligal na aktibidad maging sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga lokalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *