Girl Child Week Observance, umarangkada sa Legazpi City, Albay
Screenshot
Makabuluhang umarangkada sa Legazpi City, Albay ang Girl Child Week Observance na inilunsad ng mga awtoridad sa lalawigan ng Albay kamakailan lamang sa Brgy. Gogon ng parehong lungsod.
Nanguna sa nasabing programa ang mga tauhan ng Albay Police Provincial Office (PPO) – Provincial Community Affairs and Development (PCAD), katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), Provincial Women and Children Protection Desk (WCPD), Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), at ang mga tauhan ng Legazpi City Police Station, na naglunsad ng informative lecture kaugnay sa Safe Spaces Act at Violence Against Women and Children (VAWC).
Tinatayang nasa kabuuang 30 participants sng dumalo at nakibahagi sa talakayan, na binubuo ng 15 kabataan at 15 women with disabilities.
Layunin ng inisyatiba na mabigyan ng nararapat na kaalaman at suporta ang lahat ng mga kalahok partikular na sa pagsasabi ng kanilang mga karanasan upang makapagbahagi ng mga makabuluhang aral at higit sa lahat makatulong sa iba pang mga indibidwal na nangangailangan din ng makakausap at emotional support.
Samantala, nanguna naman si Atty. Sharmane Granatin, Legal PNCO Officer ng PRO5, kung saan binigyan nitong halaga ang pagkakaroon ng kamalayan at pag-unawa sa mga karapatan ng kababaihan maging ng lahat ng kabataang babae.
Tinalakay naman ni PMAJ Nora V. Viscaya C., PWCPD, ang mahalagang responsibilidad ng komunidad at ng mga law enforcement agencies sa pagpapalawak sa mga hakbang upang protektahan ang mga karapatan ng kababaihan at kabataan sa ating mga komunidad.