Pagtatanim ng pag-asa para sa mas luntiang kinabukasan, tulong-tulong na isinakatuparan sa Irosin, Sorsogon
Tulong-tulong na isinakatuparan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang iba pang mga organisasyon ang pagtatanim ng pag-asa para sa mas luntiang kinabukasan sa pamamagitan ng isang Tree Planting Activity sa Brgy. Mapaso, Irosin, Sorsogon kamakailan lamang.
Dito nakiisa rin ang Sorsogon Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punongkahoy kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang malinis, ligtas, at luntiang kapaligiran.
Naging daan din ang aktibidad upang higit pang mapagtibay ang pagkakaisa at kooperasyon ng iba’t ibang sektor para sa pangangalaga ng kalikasan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo sa pagunguna ng pamahalaan at mga residente mas magiging matagumpay pa ang pagsusulong ng iba’t ibang mga environmental protection at sustainable development programs para sa kapakanan ng ating mga komunidad.