Mag-aaral ng Tabogon NHS, nakilahok sa lecture ng mga awtoridad
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Tabogon Roosevelt NHS sa isinagawang lecture sa Tabogon NHS, Brgy. Ilihan, Tabogon Cebu noong Hunyo 19, 2026.
Isinagawa ang lecture sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt. Dun Blane Tabares, Officer-in-Charge ng Tabogon Municipal Police Station. Tinalakay sa mga mag-aaral ang panganib ng ilegal na droga, kahalagahan ng kaligtasan, at pag-iwas sa bullying at karahasan.
Namahagi rin ng impormasyon ukol sa Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, at Iwas Rape Tips upang mapalawak ang kaalaman ng kabataan.
Layunin ng programa na magkaroon ng ligtas, disiplinado, at responsableng komunidad sa paaralan.
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez
Source: https://www.facebook.com/share/p/17pV38gJER/