RPSB Team Commonwealth, Nagsagawa ng Orientation Training para sa mga BPAT, Volunteers, at Force Multipliers sa Brgy. Commonwealth

0
Screenshot-2026-06-22-204200

Nagsagawa ang RPSB Team Commonwealth ng Orientation Training para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), volunteers, at iba pang force multipliers sa SUMAPI Homeowners Association (HOA), Base 6, Barangay Commonwealth.

Sa isinagawang aktibidad, nagbigay ng mga talakayan si PSSg Villafranca hinggil sa First Responder Procedures, Basic Arrest Techniques, Basic Intelligence Gathering, mga karaniwang batas na kinakaharap ng mga BPAT, gayundin ang mga tuntunin at responsibilidad ng mga miyembro ng BPAT sa pagsasagawa ng mga legal na pag-aresto.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman, kahandaan, at kakayahan ng mga community force multipliers upang maging mas epektibo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko sa loob ng barangay.

Patuloy na isinusulong ng RPSB Team Commonwealth ang pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kaalaman at kasanayan sa mga katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *