PNP Regional Community Engagement Unit 1, Nakiisa sa Blood Drive kaugnay ng pagdiriwang ng World Blood Donor Day 2026
Nakilahok ang mga tauhan ng PNP Regional Communications and Electronics Unit 1 (RCEU1), sa isinagawang Blood Drive Activity bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day 2026 na may temang “United by Blood” sa SM City of San Fernando, La Union noong Hunyo 19, 2026.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang boluntaryong pagdo-donate ng dugo at mapalakas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.

Sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok, ipinakita ng mga tauhan ng RCEU1 ang kanilang malasakit at kahandaang maglingkod hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi maging sa pagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng kusang-loob na pagbibigay ng dugo.
Ang aktibidad ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi ng buhay sa kapwa, alinsunod sa temang “United by Blood.”