BPATs, kaisa ng PNP sa pagpapatupad sa Oplan Galugad

0
735714942_1698595331447182_8325562905660185485_n

Nakikiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa mga tauhan ng San Pedro Component City Police Station sa pagpapatupad ng Oplan Galugad bilang bahagi ng pinaigting na kampanya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad kaugnay sa Safer Cities Initiative ng Department of Interior and Local Governmemt sa Brgy United Bayanihan, San Pedro City, Laguna.

Sa pamamagitan ng Oplan Galugad, nagsagawa ng magkatuwang na pagpapatrolya at pagmonitor ang mga BPATs at pulisya sa iba’t ibang barangay upang matukoy at maagapan ang posibleng banta sa seguridad. Layunin din ng operasyon na mapalakas ang presensya ng mga awtoridad at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa PNP, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga BPATs sa pagpapatupad ng programa dahil nagsisilbi katuwang ng kapulisan sa pagbabantay sa kanilang mga komunidad at sa agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad.

Hinikayat naman ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at suportahan ang Oplan Galugad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na batas at pag-uulat ng anumang insidente na maaaring makaapekto sa kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *