Pinalakas na presensya ng Kapulisan kasama ang BPATs para sa kaligtasan ng komunidad
Nagsagawa ng police visibility operation ang mga tauhan ng Santa Rosa Municipal Police Station sa Barangay Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija noong Nobyembre 9, 2026, dakong alas-11:00 ng gabi, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ LAWRENCE D. LIRA, Chief of Police (COP), katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
Layunin ng aktibidad na palakasin ang presensya ng kapulisan sa komunidad, maiwasan ang posibleng paglabag sa batas, at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na sa mga oras ng gabi.
Sa pamamagitan ng regular na police visibility at pakikipagtulungan sa BPATs, higit na napagtitibay ang ugnayan ng kapulisan at komunidad tungo sa maagap na pag-iwas sa kriminalidad at pagpapanatili ng kaayusan sa barangay.
Patuloy na isinusulong ng Santa Rosa Municipal Police Station ang aktibong pagbabantay at tapat na paglilingkod upang matiyak ang isang ligtas at mapayapang pamayanan.