KKDAT Cagayan Provincial Officers, pinagtibay ang ugnayan sa Cagayan PPO

0
viber_image_2026-07-14_10-14-53-379

Matagumpay na isinagawa ang isang courtesy meeting ng mga Provincial Officers ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cagayan sa Cagayan Police Provincial Office (PPO) noong Hulyo 9, 2026, bilang bahagi ng pagpapalakas ng partisipasyon ng kabataan sa mga programang pangkapayapaan at pag-iwas sa kriminalidad.

Pinangunahan ni PCol Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan PPO ang nasabing pagpupulong na dinaluhan ng mga opisyal ng KKDAT Cagayan Provincial Chapter. Tinalakay sa pulong ang mga nakatakdang programa at inisyatiba ng organisasyon na naglalayong higit pang mapalawak ang pakikilahok ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang ng kapulisan sa kampanya laban sa ilegal na droga, terorismo, at iba pang anyo ng kriminalidad. Nagbahagi rin ang Provincial Director ng mga karagdagang estratehiya at programang maaaring ipatupad ng KKDAT upang mapaigting ang youth engagement, mapalawak ang kamalayan ng kabataan, at mahikayat silang aktibong makilahok sa mga community-based crime prevention initiatives.

Layunin ng aktibidad na higit pang pagtibayin ang ugnayan ng Cagayan PPO at KKDAT sa paghubog ng mga responsableng kabataan na magiging katuwang ng kapulisan sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Cagayan, bilang bahagi ng adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Cagayan Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *