2nd ZCMFC, Nagsagawa ng School-Based Outreach Program sa Labuan Central School
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) “Seaborne” ng isang School-Based Outreach Program sa Labuan Central School, Zamboanga City noong July 13, 2026.
Naghatid ng iba’t ibang tulong at makabuluhang aktibidad tulad ng awareness campaign, pamimigay ng masutansyang lugaw at food packs ang mga tauhan ng 2nd ZCMFC “Seaborne” sa pamumuno ni PLTCOL JOEL A SENOGAT Jr, Force Commander para sa mga mag-aaral. Layunin ng programa na hikayatin ang kabataan na pahalagahan ang edukasyon, isulong ang kaligtasan sa paaralan, at paigtingin ang tiwala at pakikipagtulungan ng komunidad sa Philippine National Police.

Ayon sa 2nd ZCMFC, “Education builds the future, and partnership protects it. Together, we empower every child to learn, grow, and thrive in a safe community.” Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng PNP ang diwa ng malasakit, serbisyo, at pagkakaisa para sa kapakanan ng bawat batang Pilipino.