Bagong opisyal ng KKDAT Marcos Chapter, nanumpa sa tungkulin

0
viber_image_2026-07-15_15-36-11-055

Isinagawa ang Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Marcos Chapter noong Hulyo 12, 2026 sa Marcos Municipal Police Station (MPS).

Pinangunahan ni PMaj Jonevale T. Maramag, COP ng Marcos MPS, ang panunumpa sa tungkulin at hinikayat ang mga bagong opisyal na maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at responsableng pagkamamamayan sa kanilang komunidad.

Hudyat ng seremonya ang opisyal na panunungkulan ng mga bagong lider ng KKDAT na nangakong isusulong ang layunin ng organisasyon laban sa ilegal na droga, terorismo, at iba pang suliraning panlipunan. Inaasahan ding magiging daan ang kanilang pamumuno upang higit na mapalakas ang pakikilahok ng kabataan sa mga makabuluhang programa para sa isang ligtas at maunlad na bayan ng Marcos.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: KKDAT Ilocandia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *