KKDAT at MBK-LC, nagsagawa ng Moral Enhancement Session para sa mga Criminology Interns

0
viber_image_2026-07-15_12-22-12-666

Matagumpay na nagsagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at My Brother’s Keeper–Life Coach (MBK-LC) ng isang Moral Enhancement Session bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng moral at values formation ng mga kabataang nagnanais maging mga responsableng alagad ng batas nito lamang ika-14 ng Hulyo, 2026.

Pinangunahan nina Pastor Regie Ocoma, MBK-Life Coach (MBK-LC), at Mark Kevin Garcia, Pangulo ng KKDAT Piat, ang nasabing aktibidad na nilahukan ng mga Criminology Interns mula sa Lyceum of Tuao.

Sa naturang sesyon, tinalakay ang kahalagahan ng moral na pagpapahalaga, disiplina, integridad, at pananagutan bilang mga pangunahing katangian ng isang mahusay at responsableng law enforcer. Hinikayat din ang mga kalahok na isabuhay ang mga prinsipyong ito sa kanilang pag-aaral at sa kanilang magiging propesyon upang makapaghatid ng tapat at makataong paglilingkod sa publiko.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang moral at etikal na kamalayan ng mga kabataan at ihanda sila sa kanilang magiging tungkulin bilang mga katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Patunay rin ito ng aktibong pakikipagtulungan ng KKDAT at MBK-LC sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pagsusulong ng mga programang humuhubog sa mga responsableng mamamayan para sa Bagong Pilipinas.

Source: PNP Piat Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *