BPATs, katuwang Danao CPS sa pagpagpapatibay ng seguridad

0
747307245_916761700686476_282840803254538787_n

Nagsagawa ng police visibility at barangay visitation ang mga tauhan ng Danao City Police Station noong Hulyo 15, 2026 sa Barangay Danasan, Danao City, Cebu, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Henrix P. Bancoleta, Chief of Police, katuwang ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT). Layunin nitong mapalakas ang presensya ng pulisya, mapaigting ang koordinasyon sa barangay, at higit na mapalalim ang ugnayan sa mga residente.

Patuloy na hinihikayat ng Danao City Police Station ang publiko na makiisa sa mga programang pangkapayapaan at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *