KKDAT Vintar Chapter, nagsagawa ng Tree Planting Activity

0
viber_image_2026-07-19_13-02-33-580

Nagsagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Vintar Chapter ng Tree planting Activity noong Hulyo 18, 2026, sa Barangay San Nicolas Vintar, Ilocos Norte.

Isinagawa ang aktibidad bilang suporta sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng mas luntiang pamayanan. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran, biodiversity, at pagtugon sa epekto ng climate change.

Ayon sa KKDAT Vintar Chapter, ang bawat punlang itinanim ay sumisimbolo sa kanilang pangako na maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan at magsilbing inspirasyon sa mas marami pang kabataan na aktibong makiisa sa mga programang pangkapaligiran. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng KKDAT ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagtataguyod ng isang mas malinis, luntian, at responsableng komunidad sa Bagong Pilipinas.

Source: KKDAT Vintar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *