Cervantes MPS, nagsagawa ng information drive sa mga mag-aaral ng Paang Elementary School
Kasabay ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ng Lecture-Orientation at Information Drive ang mga tauhan ng Cervantes Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PCpt Oliver B. Sari, ACOP, katuwang ang 102nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 at DOH-Cervantes, noong Hulyo 14, 2026 sa Paang Elementary School, Brgy. Dinwede East, Cervantes, Ilocos Sur.
Tinalakay sa mga mag-aaral ang mahahalagang paksa tulad ng bullying, cyberbullying, cybercrime awareness, karapatan at responsibilidad ng mga mag-aaral, juvenile delinquency, conflict resolution, at ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapalakas ang kanilang kamalayan at responsableng pag-uugali.
Ipinakilala rin sa mga mag-aaral ang SAFE NIR Dial 911 Program upang mabigyang-kaalaman sila sa wastong paggamit ng emergency response services at sa kahalagahan ng agarang paghingi ng tulong sa oras ng pangangailangan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ng Cervantes MPS ang pakikipag-ugnayan nito sa sektor ng edukasyon at komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga Kabataan, alinsunod sa patuloy na pagsusulong ng adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”