VCPS, nagsagawa ng Community Dialogue and Outreach program para sa muslim community sa Brgy. Veinte Reales
Nagsagawa ang Valenzuela City Police Station (VCPS) ng Community Dialogue and Outreach Activity para sa Muslim Community sa T. Santiago Street, Barangay Veinte Reales, Valenzuela City noong Hulyo 27, 2026, sa pangunguna ni PCOL JOSEPH G. TALENTO, Chief of Police.
Pinangunahan ni PCPT JOAN H. DE LEON, OIC ng Community Affairs Section (CAS), ang aktibidad na naglalayong palakasin ang ugnayan at kaalaman ng komunidad hinggil sa kaligtasan at seguridad. Tinalakay ni PLT MA. TERESA CRUZ ang Safe Spaces Act (R.A. 11313) at R.A. 9262, habang ipinaliwanag naman ni PMSg RAMON E. BARCELINO ang programa ng pamahalaan na Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC), na nakatuon sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagpapaunlad ng komunidad, at kahalagahan ng pagiging mapagmatyag laban sa maling impormasyon. Nagbahagi rin si PCPT DE LEON ng mga paalala hinggil sa crime prevention at public safety, gayundin sa mga isyung inilapit ng mga kalahok.

Bilang bahagi ng outreach initiative, 25 miyembro ng Muslim Community ang nakatanggap ng mga food pack na naglalaman ng bigas at iba’t ibang instant noodles. Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na pangako ng VCPS sa makatao, malasakit, at community-oriented na paglilingkod sa publiko.
Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng VCPS ang tiwala, pakikipagtulungan, at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng komunidad tungo sa mas ligtas, mapayapa, at nagkakaisang Lungsod ng Valenzuela.