PRO 3, Nagsagawa ng Community Outreach Program sa Pinagkuartelan Intgrated School

0
Screenshot-2026-07-28-105633-1

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Community Outreach Program, nagsagawa ang mga tauhan ng Police Regional Office 3 ng libreng pamamahagi ng lugaw at information drive para sa mga mag-aaral ng Junior High School.

Isinagawa ang aktibidad bilang pagpapakita ng malasakit at patuloy na pagtugon ng kapulisan sa kapakanan ng mga kabataan at ng komunidad. Layunin din nitong mapalakas ang ugnayan, tiwala, at pakikipagtulungan sa pagitan ng kapulisan at ng mga mag-aaral.

Patuloy na isinusulong ng PNP ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan, lalo na ng kabataan, bilang bahagi ng kanilang mandato na maglingkod, mangalaga, at makipag-ugnayan sa komunidad tungo sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *