2nd Cagayan PMFC, Nakiisa sa Tree Planting Activity sa Gattaran
Bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Force Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa tree planting activity sa Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan.
Pinangunahan ni PLt Charlie Cagayan, Platoon Leader, ang aktibidad kasama ang mga opisyal ng barangay na pinangunahan ni Brgy. Kagawad Rowena Manuel, gayundin ang mga miyembro ng komunidad.
Sa isinagawang aktibidad, matagumpay na nakapagtanim ng 30 punla sa itinakdang lugar bilang ambag sa pagpapanatili at pagpapalawak ng mga luntiang espasyo sa komunidad.
Patuloy na nakikiisa ang 2nd Cagayan PMFC sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at nagsusulong ng pagpapahalagang “Makakalikasan” ng PNP. Layunin din nitong patibayin ang pagtutulungan ng kapulisan at komunidad para sa isang mas ligtas, malinis, at luntiang kapaligiran.