Balamban MPS, pinaigting ang police visibility sa mga paaralan
Pinaigting ang police visibility at nagsagawa ng school visitation ng mga tauhan ng Balamban Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Ian T. Macatangay, Acting Chief bilang bahagi ng ligtas, secure, at mapayapang learning environment sa Abucayan Elementary School at Holy Name of Jesus Child Development Center nito lamang Agosto 20, 2026.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng pulisya at komunidad ng paaralan, talakayin ang mga usapin tungkol sa kaligtasan at seguridad, palawakin ang kaalaman sa pag-iwas sa krimen, at hikayatin ang mga mag-aaral na maging responsable at sumusunod sa batas.
Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan, patuloy na itinataguyod ng pulisya at mga institusyong pang-edukasyon ang isang kultura ng kaligtasan, respeto, at tiwala sa loob ng mga paaralan.
Ipinapakita rin ng naturang inisyatiba ang kahalagahan ng presensya ng pulisya sa mga paaralan upang makatulong sa pag-iwas sa mga posibleng insidente at matiyak na ang mga mag-aaral at school personnel ay makapag-aral at makapagtrabaho sa isang ligtas at mapayapang kapaligiran.

