Digital Safety Symposium, dinaluhan ng mga mag-aaral sa V&G NHS sa Tacloban City

0
viber_image_2026-08-30_11-21-09-342

Masigasig na dumalo ang mga mag-aaral ng V&G National High School sa Tacloban City sa isinagawang Digital Safety at Youth Empowerment Symposium nito lamang August 27, 2026.

Ang programa ay pinangunahan ng Tacloban City Police Office through the City Community Affairs and Development Unit (CCADU) sa pamumuno ni PCOL MARBEN M ORDONIA, Acting City Director.

Layunin ng programa na bigyan pa ng karagdagang mga kaalaman ang lahat ng mga mag-aaral kaugnay sa pagiging responsable sa digital world. Ito ay sa kabila ng mga naglipana na posibleng online threats at upang turuan ang kabataan na maging responsible digital citizens at lalaking mga responsableng mamamayan sa ating komunidad.

Kabilang sa tinalakay ng mga awtoridad ang Orientation for Youth and Students on Terrorist Recruitment (OYSTER), Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC), RA 10627 known as the Anti-Bullying Act of 2013, at ang Nihilistic Violent Extremism (NVE).

Nagpakitang gilas din ang kapulisan sa kanilang mga talento sa pamamagitan ng indak ng sayaw.

Nagtapos ang aktibidad na pinagtibay ang pakikipag-ugnayan ng pulisya at paaralan upang maging katuwang sa pagbabantay ng seguridad at kapayapaan sa mga paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *