Fire Safety Tips at Arrest and Seizure, tinalakay sa Seminar ng Macalelon BPATs
Tinalakay ang fire safety tips at arrest and seizure sa seminar na isinagawa ng mga tauhan ng Macalelon Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMaj Edmondo O Capistrano, Chief of Police sa mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ng Macalelon katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) dakong 9:00 ng umaga noong Agosto 28, 2026 sa Macalelon, Quezon.
Tinalakay ng mga tauhan ng BFP ang mahahalagang usapin hinggil sa kaligtasan sa sunog (Fire Safety Tips) at iba pang kaugnay na paksa upang madagdagan ang kaalaman at kahandaan ng mga Barangay Tanod sa pag-iwas at pagtugon sa mga insidenteng may kinalaman sa sunog.
Samantala, tinalakay naman ng mga tauhan ng Macalelon Cops ang mga paksa tungkol sa pag-aresto at pagsamsam (arrest and seizure), gayundin ang wastong mga pamamaraan at teknik sa pagsasagawa ng pag-aresto.
Layunin ng naturang lecture at seminar na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Tanod sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan, at seguridad sa kanilang mga nasasakupan, gayundin sa maayos na pakikipagtulungan sa mga awtoridad.
